Uso ang Havaianas diba? Kaya hanggang ngayon, wala pa rin akong Havaianas. Kahit nga fake wala ako eh. Not because I don't like it. I'm a bonafide non-conformist lang talaga kaya ganun. Siguro after two years bibili na ko, pag hindi na sya masyadong sikat hehe.
Lahat na lang nang nakakasalubong ko araw-araw, may suot-suot na Havaianas. Kahit hindi kagandahan ang feet at hindi maayos ang nail polish sa paa, nagsusuot nito. At dahil ginanahan akong magsearch after I made my "Chuck Taylor" blog. Havaianas naman ang pagdidiskitahan ko. San ba kasi galing ang tsinelas na yan na napakamahal eh may Spartan at Beach Walk naman sa tabi-tabi?
We all know that it's from Brazil. Pero ginaya lang nila ang mga Hapon. Nakakita na ba kayo ng Japanese flip-flop? eto yun...
1962 pa pala nag-start ang Havs. The São Paulo Alpargatas company began to produce a sandal based on the design of the Japanese flip flop, called the zori. Pero they used rubber instead of straw. Nung time na yun, super low lang ang price nya and it was even tagged as "chinelos de pobre" (poor man's flip-flops) kasi from the lower class ang bumibili halos. Pero in fairness, sobrang mabenta talaga, like a thousand pairs were sold daily. And syempre pag successful ka, magsusulputan na parang kabute ang mga gaya-gaya. So what they did, nag-start sila ng new campaign na "Havaianas: As Legítimas" (Havaianas: the Legitimate Ones) to try to beat the competition.
Nagstart lang sya mapansin ng middle and upper classes sa Brazil nung 1994. Dahil daw ito ang laging binibili ng mga turista dun and dahil na rin nag-change sila ng design. 1994 din nila ni-release yung monochromatic sandals. By 1998, ni-release nila ang Havaianas Brazil, special edition to, in honor of the World Cup.
So how do we pronounce it? Hindi sya "Ha-va-yaa-nas". It's pronounced as "ah-vai-YAH-nas". Silent H po. Portuguese word sya, and it means "Hawaiians". Why Hawaiians? Tribute daw nila ito sa Hawaii.
New adaptations include custom-made pairs for wedding favors and a ladies jewel-studded Swarovski crystal pair, which sells for $195 at Nordstrom.(whew!)
A fun fact: all the Havaianas in the world come from a single factory in Campina Grande, a city in the northeastern state of Paraíba. Kung saan man yun, hindi ko alam. Hahaha..
Kelan kaya sisikat ang Spartan?

Kung magkaroon ng batas na pinagbabawal ang mga pilipino na magsuot ng Havaianas at dapat ay Spartan lamang, papayag ka ba?
Hmmmmm...tingnan natin...
Advantage ng Havaianas:
> Madaming kulay at design.
> Masarap daw sa paa.
> Pwede pang-porma.
> Mapipilitan kang maglinis ng kuko at magpa-pedicure.
> Matibay.
>
Disadvantage ng Havaianas:
> Mahal.
Eh ang Spartan? Eto ang advantages nya:
> Pwedeng pampatay ng ipis at kung anu-anong insekto.
> Pwedeng gamitin sa banyo.
> Pwedeng ilusong sa baha.
> Pwedeng gamitin sa tumbang preso at sa iba't ibang larong pang-kalye.
> Pwedeng ipanghampas sa asawang nangangaliwa o batang malikot.
> Kahit hindi na linisin.
> Mura.
Disadvantage ng Spartan:
> Nginangatngat ng aso pag iniwan mo sa doormat sa may pintuan nyo.
> Laging nawawala ang kapares.
> Maiilang kang isuot sa MRT dahil titigan ito ng mga kaharap mo upang suriin kung may tatak na Havaianas ang strap nito.
Anong pipiliin ko? CHUCKS pa rin! =P
No comments:
Post a Comment