After years of working, first time ko mapasama sa Earthquake Drill. It's either my off kasi or ibang shift ako kaya hindi ko matyempuhan. Masaya pala sya! Lol..We were in production tapos may boses na galing sa kalawakan (parang yung mga live phone patch pag may birthday surprise sa A.S.A.P. hahaha). Feeling namin eh sya yung inglisera naming lady guard na may Visayan accent ang nagsasalita. Eto ang script nya:
"Attention: All employees are now instructed to evacuate the building as safe as possible. We are now experiencing (sabi nya --> ekspiryen---sing) an earthquake. Please form a line leading to the nearest exit."
At habang sinasabi nya yan ng paulit-ulit eh nakaupo pa rin kami at nagtatawanan. So pila naman kami. Bumaba kami at may dinaanan kaming hallway na nun ko lang nadaanan hahaha..na may malalaking pipes sa taas. Feeling ko mas mamamatay ako dun kung dun ako dadaan if magkaron ng totoong earthquake. So yun nakalabas na kami ng building. Walkathon pa kami and naloka ako kasi hanggang sa paglabas namin ng door sa production floor eh umuulan ng guards sa paligid namin. Hanggang makalabas papunta sa main area na akala ko papakainin kami kasi malapit sa MiniStop. Hahahaha... Nag-cause pa kami ng traffic kasi mahaba yung pila namin. Ang daming nakapaligid sa amin at nag-susupervise ng drill. May guards, pulis, traffic enforcer, ambulance, mga patrol cars at photographer. Sosyal di ba. Pagdating namin sa main area eh may mga nakahawak ng flags so dun ka pupunta kung saang department ka or account.
Nainis ako kasi mainit nun. Ayoko kasi ng pinapawisan ako. Pero ok lang kasi syempre dapat may picture-taking. Hahaha... Medyo nainip lang ako ng konti kasi antagal bago kami bumalik na akala ko eh kukuha pa sila ng pari para magmisa dun for us. Hehe.. Eto na ang pictures!
Ok lang mag-drill araw-araw basta wag lang mangyari ang totoong earthquake. Cover your heads! =P
No comments:
Post a Comment