Ang sarap talaga ng kape. Adik ako sa kape. Ewan ko kung bakit, kahit na kumukulo o nagyeyelong kape, ok lang basta kape.
Iba-ibang klaseng kape na ang na-try ko. Nasubukan ko na dati yung kapeng barako nung pumunta kami sa batangas. Swabe. Swabe sa pait. Grabe. Hindi ko alam kung san ko ilalabas yung kapeng yun nung nainom ko. Pero dahil kaharap ko pa yung nagbigay, pikit-mata kong nilunok ang swabe sa pait na kape. Ang totoo, nagustuhan ko yung after-taste kaya uminom pa rin ako. Tapos unti-unti kong naramdaman na nagising lahat ng cells ko sa buong katawan. Teka, natutulog ba ang cells, di ata. Basta hyper ako pagkainom ko.
Bata pa lang ako, umiinom na ako ng kape. As far as I can remember, 5 or 6 years old pa lang ako, coffee addict na ako. Pero instant coffee ha. Ang trip ko nun, sinasabaw ko yung kape sa kanin, yung tipong nalulunod na bawat butil ng kanin sa pinggan ko. Tapos kahit anong ulam masarap para sa akin basta kape ang sabaw. Ganun ako ka-addict. Morning pa lang, kape na ang sabaw ko sa kanin kaya hyper ako sa school.
Nung college na ko, lalo kong napatunayan na kailangan ko talaga ng kape. Tuwing gabi pag-nag-aaral ako, kakambal na ng libro ko ang kape. Tapos sinasabayan ko pa ng red bull pag tipong kasing kapal ng 25 volumes ng Grolier's Encyclopedia ang kailangan kong basahin.
Nung nasa Baguio ako, syempre kape pa rin. Pag malamig ang panahon at may mga fog kang nakikita, masarap talaga humigop ng mainit na kape. Naalala ko tuloy nung sobrang lamig sa Baguio at nanginginig talaga ang kamay ko, bumili ako ng kape sa Burger Machine sa Burnham Park at sa sobrang panginginig eh natapunan ng sobrang init na kape yung kamay ko. Pero swabe pa rin, hindi na ako gininaw pagkatapos nun. Hehehe.
Tapos meron ding mga 3-in-1. Yung tipong i-ready mo lang yung mainit na tubig tapos ibuhos mo na yung isang sachet. Tapos na. May kape ka na. Merong brewed coffee. Decaf at kung anu-ano pa.
Hindi mawawala ang mga sosyalang coffeeshop. Dati, takot na takot akong pumasok sa Starbucks. Yung tipong pag hinila mo ako eh hindi talaga ako papasok. Bigla akong magkaka-diarrhea, bigla akong mahihilo, bigla akong magsusuka, bigla akong mahihimatay...basta kahit anong dahilan na maisip ko. Aside from the fact na iba ang tingin ko dati sa mga pumapasok dun, ang totoo at numero uno kong dahilan...hindi ko alam kung pano umorder. Oo nakakatawa pero yun ang totoo. Aminin nyo man o hindi, dumaan din kayo sa stage na yan. Ikaw ba naman, kape lang ang kailangan mo, may kung-anu-ano pang decaf-half caf, 2% milk, non-fat low-fat milk, hot o extra hot, short-tall-grande-venti, latte-macchiato-espresso-white mocha, whipped cream, steamed milk, frappucino, ristretto, flavor syrup, soy, eggnog, extra foam, 140 degrees, extra ice-light ice, upside down, double blended at kung anu-ano pa. Anak naman ng barista oo, kape lang ang kailangan ko, bakit may ganung effect pa di ba? Tapos pag umorder ka, iaa-announce sa lahat ng sulok ng coffeeshop na yun ang pangalan mo. One tall hot caramel macchiato for APPPPPPPPPLLLLEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEeeeeeeeEEEEEeeeeEEEEEeeeEEE!!!! Eh pano kung sinusuka mo na yung pangalan mo tapos isisigaw pa di ba?
Buti na lang. Buti na lang ako yung tipo ng tao na hindi takot mapahiya. Sabi ko, sige oorder ako, pakialam ba nila kung mali ang pag-order ko at mali pronunciation ko. Hindi naman nila ako kilala. Tsaka naisip ko, kelan pa ako papasok sa Starbucks??? Pag 95 years old na ko?? Kaya ayun go ako. Buti na lang hindi ako nagkamali. Swabe ang pag-order ko. Smooth na smooth. At isa ko pang na-discover, masarap pala ang kape nila. Ayun, pabalik-balik na ako hanggang ngayon. Kahit mag-isa ako, pumupunta ako. Dati napag-tripan ko mag-experiment ng kape, kung anu-ano ang sinabi ko sa barista, ginawa naman nya... ayun binigay sa akin. Anak ulit ng barista oo, amoy surot yung kape ko! Nalimutan ko yung mixture pero amoy surot talaga sya!
Tapos masaya din makinig pag tinatawag ng barista yung mga pangalan. May iba kasi meron na silang Coffee Name, hindi nila totoong pangalan, ginagamit lang nila sa Starbucks. May narinig ako dati, "One tall....for Jun-Jun!" Eh walang lumalapit, inulit-ulit nung barista, "Jun-Jun?...Jun-Jun??? Jun-Jun!!! JUN-JUN!!!!" Tawa ako ng tawa. May isa pa.. "One hot....for LIFE!" Parang sa radyo lang no. Kung anu-anong pangalan..Luzviminda, Baby (pero matanda ang lumapit), Cherie Pie, Frap-Frap (Pano kung Mocha Frap inorder nya). Natatawa din yung mga foreigners na andun kasi naririnig nila mga common names ng pinoy.
Humahaba na ang listahan ko ng masasarap na kape/kapihan. Gusto ko din sa Gloria Jean's, Figaro, Seattle's Best, CBTL. May isa pa kong gustong puntahan. Sa may Tomas Morato, KOPIROTI. Balita ko masarap yung kape dun tsaka yung tinatawag nilang Kopi Bun. Mas ok kasi hindi daw ganun kamahal. Balitaan ko kayo pag nahirapan akong umorder dito.
Kung may alam pa kayong masarap na kapihan, malaya kayong makakapagbigay ng komento dyan sa ibaba. Dyan lang. Scroll mo pababa. :-P