Monday, January 28, 2008

MacArthur

Kung ikaw ang tipo ng tao na madiriin, maselan at punong-puno ng kaartehan at kaplastikan sa sarili mo, wag mo tong basahin.

Nabasa ko na ang ika-anim na libro ni Bob Ong. "MacArthur" ang title. Sa una, iisipin mo na siguro tungkol ito sa history ng Pinas. O kaya naman eh tungkol mismo kay Douglas MacArthur. O basta tungkol sa kahit na ano sa nakaraan ng mga Pinoy. Mali ka kung yun ang iniisip mo.

Isa syang kwento tungkol sa magkakaibigan na snatcher, magnanakaw at mga drug addict na nagdecide magbagong-buhay sa pamamagitan ng pagnenegosyo. Nagbenta sila ng pirated DVDs at ang pangalan ng tindahan nila ay "The Beautiful Movies". Mga peligro na pinagdadaanan nila at kung bakit nila nagagawang magnakaw. Ibig sabihin, lahat ng bagay sa mundo, masama man o hindi, may dahilan kung bakit mo nagagawa. Hindi mo gusto, pero kailangan mong gawin. Makikita mo ang sobrang pagkakaiba ng mayaman sa mahirap. Na pwede mo palang lunukin ang mga alahas na ninakaw mo at mga pakete ng shabu na nasa bulsa mo pag na-corner ka na ng pulis. Na matindi na ang pagka-adik mo pag naghahallucinate ka na at pwede ka ng makapatay ng tao dahil dito. Na lahat ng tao, nakapag-aral man o hindi, ay marunong magsakripisyo para sa taong mahal nya. Na kahit anong mangyari sa yo, walang ibang tatanggap sa yo ng buong puso kundi ang pamilya mo.

Malungkot ang kwento na to. Pero tatak Bob Ong pa rin. Iisipin mo na parang hindi dumaan sa editor ang librong ito dahil napaka-spontaneous ng pagkakasulat nya. Eto na ata ang libro na punong-puno ng mura, tae, ebak at kung anu-ano pa. Pero yun ang totoong nangyayari, yun ang totoong naririnig natin at nakikita.

Totoong may inidorong hindi nagfa-flush. Kahit anong buhos ang gawin mo. Wala pa rin. Mawala man ang ebak, babalik pa rin. Pabalik-balik. Kaya tinawag ang librong ito na MacArthur. Sumisimbolo sa tao na hindi basta-basta lumulubog. Sumisimbolo sa tae na ayaw ma-flush. Sana hindi ka kumakain ngayon.

Excerpt galing sa MacArthur habang bumabatak ang magkakaibigan:

"Bakit may apir? Sino umimbento ng apir?" tanong ni Cyrus. "Busog na si Cy," biro ni Jim. "Tama na yan bata, sabogaloids ka na!" Nagtawanan ang lahat.

"Pero alam nyo sabi ng teacher ko dati, yung mga palatanong daw talaga ang matatalinong tao."

Tinignan ni Voltron si Noel. "Talaga? Yung mga palatanong? Sigurado ka? May tatlong butiki, pumalakpak ang isa, ilan ang baboy?" Tawanan na naman.

"E di wag kayo maniwala," bad trip si Noel.

"Naniniwala ako," bumawi si Voltron. "Narinig ko na yon dati. Ganon nga daw talaga mga sayantis, palatanong kaya maraming natututunan." Ipinakita nya ang tatoo sa braso. Binasa ni Noel, "Amadeos?"

"Sayantis to pare!" Pagmamalaki ni Voltron.

Lumukot mukha ni Noel. "Hindi scientist si Amadeus tsaka wrong spelling yan."

"Abnormalites!" sagot ni Voltron. "Si Amadeos? Yung tayu-tayo yung buhok...? Seksyon ko yun dati, ogag, may litrato kami nun sa klasrum!"

"Gago, yung parang nakuryente buhok, ibang tao yun!" hirit ni Cyrus.

"Einstein," sabi ni Noel.

"Uh! Mga ulul! Amstayn -- patay na yun e!"

"Gago, lahat yun patay na," balik ni Cyrus.

"E sino umimbento ng computer?" di pa rin matahimik si Voltron.

"Pakialam ko."

"Si Amadeos."

"Tangna mo, sinabi na ngang hindi scientist yun."

"Yung kulot yung buhok, bogaloids!"

"Gago, si Einstein nga daw yung kulot!"

"Eh patay na nga yun eh, nagmamarunong ka lang!"

"Tangina mo, maghanap ka ng kausap. Sa susunod na magpa-tattoo ka, yung kakilala mo -- si Voltes V!"

"Wala ka lang tatu, gago!"

"Talsik mo, lumalaway!"

"Ulul."

"Pakyu."

Laugh trip.



Ayoko na magkwento. Bili na lang kayo sa National. 100 pesos lang nakatulong ka pa sa Gawad Kalinga.





No comments: