Ano o sino ba si Doraemon?
Isa ba syang keychain?
Isa ba syang pendant?
cellphone charm?
o stuffed toy?
Ang Doraemon ay isang Japanese Manga Series na ginawa ni Fujiko Fujio. Tungkol ito sa isang robot na pusa na nagtravel back in time mula sa 22nd century para tulungan si Nobita Nobi. Nagstart pa daw ang Doraemon nung 1969 pa at hanggang ngayon kung saan-saan mo daw sya makikita sa Japan and pati na rin dito sa Pinas.
Alam mo bang nung 2002, isa si Doraemon sa 22 Asian Heroes according to Time Magazine? Sya lang ang bukod tanging cartoon character sa list na yun at ang label sa kanya: "The Cuddliest Hero in Asia". Akalain mo yun. Natatawa ako pag napapanuod ko sya dati pero may lesson din naman every episode. Kaya nyang mag-produce ng kung anu-anong futuristic gadgets na tinatawag nilang Dogu. Lumalabas yung mga gadget sa 4th dimensional pocket ni Doraemon. Bakit 4th- dimensional? Kasi connected sya sa 4th dimension. (hahaha..) At akalain nyo na ang time machine kung san nanggaling si Doraemon eh yung desk drawer mismo ni Nobita. At hindi ito alam ng nanay nya. (Shhhh...).
May tenga pala sya dati kaso kinain ng isang robotic mouse. Kaya meron syang fear of mice kahit isa syang pusa. Color yellow daw sya dati, pero dahil nga kinain ng daga yung tenga nya, na-depress sya at uminom ng sadness potion. Dahil dun nag-iba color nya pati boses nya.
Minsan nagkaka-elesi sa ulo si Doraemon. Yun yung take-copter. Madami din syang Dogu, libo-libo na ata. Eto ang ilan sa mga Dogu na paborito ko:
Time Camera - camera na nagte-take ng picture from the past depende sa time na gusto mong balikan. Ginamit yun dati ni Nobita para makita yung nawawalang wallet ng tatay nya.
Sticker of Truth - pag dinikit mo sya sa tao, magsasabi sya ng totoo.
Duplicating Mirror - madodoble lahat ng things na itatapat mo dito. Magiging totoo yung reflection, kunin mo lang sa loob nung salamin hehehe... Kung magkakaron ako nyan, pera ang itatapat ko. =)
Confessor's Crickets - small robotic crickets ito, ilalagay mo lang sa nostrils nung tao para i-confess nya lahat. So pano mo maaalis yung cricket? Kailangan mong bumahing ng malakas at paamuyin ka ng paminta para magawa mo to.
Choto Ma-timer - isa syang time-stopping pocket watch.
Chocolate Heart - heart-shaped chocolate sya na pag kinain, mag-aagree ang tao na yun sa kung anumang gusto mo.
Almighty Pass - passport na magagamit mo kahit saan na hindi kailangan magbayad or hihingan ka pa ng identification.
Air Glue - magagamit mo para magdikit ng mga gamit sa ere.
Moshimo Box - isa syang telephone booth. Dial ka lang dun tapos magsabi ka ng kahit anong "what-if scenario" na pwedeng ikapagpabago ng mundo. Dati, nag-wish si Nobita ng mundo na hindi na kailangan ng pera, na pag may binili ka eh ikaw pa ang bibigyan ng pera or pag hinoldap ka eh pepwersahin ka pa na tumanggap ng pera. Pwede mo naman ibalik sa dati, tawag ka lang ulit sa Moshimo Box at mag-request ka to revert or restore.
Dokodemo Door - pwede ka pumunta kahit saan through this door.
Madami pang Dogu si Doraemon. Sana magkaron ng totoong mga ganito. Di ba? Pero ang lahat ng yan binibili pa ni Doraemon ha, kaya depende yun kung me pera sya o wala.
Sino naman si Nobita? Sya ang batang tinutulungan ni Doraemon. Marami namang nakaka-relate kay Nobita. Isa syang tipikal na grade-schooler. Grade 4 sya at tamad syang pumasok, laging late, zero lagi sa exam, laging binu-bully at laging napapagalitan ng nanay nya.
Eto naman ang ilan sa characters:
Shizuka - love interest ni Nobita. Mahilig maligo at madalas naaabutan ni Nobita na naliligo sya sa banyo pag ginagamit nya ang Dokodemo Door.
Gian and Suneo - mga nang-bu-bully kay Nobita
Hidetoshi - karibal ni Nobita kay Shizuka
Dorami - younger sister ni Doraemon. Dinadalaw din nya si Nobita using the time machine pag day-off ni Doraemon.
Tamako - Nanay ni Nobita
Nobisuke - Tatay ni Nobita
Sewashi - great great grandson ni Nobita. Sya ang nagpadala kay Doraemon pabalik sa past para mabantayan si Nobita.
Mi-chan - girlfriend ni Doraemon.
Sabi nga sa Time Magazine, isa syang companion o best friend na makakasama mo kahit saan at po-protektahan ka sa mga bully ng buhay mo. At pag napapanuod mo sya, iisipin mo na walang imposible.
There was one episode na hinahabol ng aso si Nobita but Doraemon threw himself against the dog para mailigtas si Nobita. May purpose naman sya unlike other pa-cute cartoon characters. He warms up everyone's heart with every episode. Although minsan sa kapalpakan nya, lalong lumalala yung situation, in the end, na-so-solve pa rin nya lahat ng problema.
Bakit ko paborito si Doraemon?
Hindi ko sya paborito dahil cute sya o dahil sa kulay blue sya at takot sya sa daga. Gusto ko sya dahil sya ang nagre-resemble sa lahat ng mga kaibigan ko. Sa lahat ng Doraemon sa buhay ko na walang tigil na nagpapasaya sa akin pag nalulungkot ako. Mga taong hindi nang-iiwan. Mga taong pinagtatanggol ako. Mga taong nakakaintindi sa lahat ng kapalpakan ko. Mga taong hindi nagdadalawang-isip na tulungan ako sa lahat ng oras. Mga selfless na tao. Yung kahit may mga sarili silang problema, willing pa rin makinig sa akin. Sana isa rin akong Doraemon sa buhay nyo. Sana hindi rin kayo takot sa daga.
"He transmits a message that transcends every language: the future can be likable, the present is redeemable, and you can be happy even if you're blue." - Time Magazine
No comments:
Post a Comment