Friday, October 3, 2008

You Come and Go

If there's only one thing in this world that I truly truly truly believe in, hindi ito LOVE. Hindi rin ang sinasabi ng mga scientist na ang TAO ay nagmula sa UNGGOY. Hindi ko rin tinutukoy ang LIFE AFTER DEATH. At lalong hindi ko tinutukoy ang paniniwala nang iba na magsasarado na ang FRIENDSTER.

I am referring to the LAW OF KARMA.

Maniwala kayo at sa hindi, I've been reading the bible simula nung bata pa ako. Kaya siguro lumabo ang mata ko kasi ang liliit ng letra. Kaya nun pa lang, alam ko na pag may ginawa kang bad, babalik sayo to nang mas matindi. As I grew up, I guided myself na gumawa ng tama, never ko binigyan ng sakit ng ulo ang parents ko at pinipilit kong maging mabuting tao. Kasi I know in time, may mapapala naman siguro ako sa mga pinaggagagawa ko. I never ask for anything in return. At lahat nang ginagawa ko ay bukal sa loob ko (ang lalim dude hehe). This is too much of a self-gratification I know pero I just want everybody to know na ito lang naman talaga ang kelangan nating gawin sa buhay natin.

Para sa akin, eto ang law of karma:

♥ Be good to other people. Wag mamimili ng tao. Dapat kahit kanino marunong ka makisama. Pag mabait ka sa ibang tao, mabait din sila sayo. If not at inaway ka nila, dapat mabait ka pa rin. Kasi pag galit na galit sila at hindi ka nagreretaliate, sino ang mukhang tanga? Hindi na dapat tanungin sa akin kung ano ang sagot.

♥ Be of service to others. Wag ding mamimili ng tutulungan. Mas i-priority natin yung mga nangangailangan ng tulong. The things that we think are simple, pwedeng big deal na sa ibang tao. Kapag tumulong ka sa iba, dapat wala kang iniisip o hinahanap na kapalit. Lahat ng pagtulong na gagawin mo, babalik sayo.

♥ Always say Thank You. Kahit maliit na bagay na ginawa syo ng ibang tao, magpasalamat ka. Yung simpleng pinigilan ng isang tao na magsara ang elevator pag nakita ka nyang nagkakandarapa para makaabot, magpasalamat ka sa taong yun. Pag nagpasalamat ka sa ibang tao, you wouldn't even know na nabuo mo pala ang araw nila. I once read sa Chicken Soup for the Soul (isa sa mga entry dun), story nya mismo na muntik na syang mag-suicide kasi feeling nya wala ni isa mang tao sa mundo ang nakaka-appreciate sa kanya. Then he changed his mind when someone thanked him out of the blue.

♥ Haba-aaaaaaaaaaannnnnnn ang pasensya. Kung 2 inches lang ang pasensya mo, gawin mo itong 2 meters o mas mahaba pa. Bumili na ng bonggang-bonggang tape measure para masukat ang pasensya mo. Pahabain ito ng sobraaaaaannng haba. Dapat cool lang tayo palagi. Dapat para lang tayong rubber band. Elastic. Pwede ring bumigay pag sobra na, pero pwede pa namang i-stretch sa pinaka-maximum.

♥ Always see the good in people. Lahat ng tao may good side. Kung may hindi ka nagugustuhan na ugali ng isang tao, isipin mo na lang palagi yung good points nya. Kung wala syang good points, hanapan mo pa rin at mag-imbento ka. Pag nag-focus tayo sa good side ng isang tao, ganun din gagawin nila sayo. Mahirap sya gawin kasi para syang white paper na pag nilagyan mo ng dot, iisipin mo madumi na. Dun ka lang nagfofocus sa dumi, tingnan mo yung bandang taas, baba, yung gilid, malinis naman di ba? May space pa para makapag-F.L.A.M.E.S.

♥ At.... Always do the RIGHT thing. No matter what. Gumawa lamang ng TAMA. Yung TAMA na alam mong wala kang dinadayang mga tao, yung TAMA na alam mong dapat at nararapat lang gawin ng isang tao. Pag hindi ka gumawa ng tama, ok lang naman eh, basta handa ka lang sa karma.



Ilang beses ko na napatunayan ang karma. Pag nanakawan ako, mas matindi pa at bonggang-bongga ang kapalit. May pinagtawanan ako dati (sorry hindi ko napigil) kasi nadulas sya. After a few minutes, nadulas din ako, tatlong beses pa, my gaaad. May sinaktan ako dati (uyyy lovelife), tapos eventually ako naman ang na-hurt. Nung kinder pa ako, inagaw sa akin nung classmate ko yung gift sa akin si Santa Claus, isang set yun ng brush, suklay at salamin, kanya daw yun at hindi sa akin. Sinumbong ko sa mommy ko tapos nung kukunin ng mommy ko yung gift na para sa akin, biglang lumabas ulit si Santa Claus, binuhat ako kasi wala akong dalang regalo at binigyan nya ako ng malaking train!

Araw-araw nangyayari ang karma. Maliliit at malalaking karma. Kung naniniwala ka rito, wala kang poproblemahin sa buhay mo dahil magiging positive ka palagi at puro tama lang ang gagawin mo. Kung ano ang ginawa mo, for sure, babalik to sa yo (play demonic laughter).

I hope you can all watch ang isa sa mga paborito kong movie..Pay It Forward. Hindi sya sikat na movie pero it simply tells how karma goes. Nagsimula sya sa isang school project kung saan the kids were asked to make a project that can change the world. Then this kid named Trevor started to make a good deed to three people and in turn, he asked each of them to do the same to three other people. You wouldn't know how many people turned up when the kid died. Sobrang hindi ko malimutan ang movie na yun and it really made me cry.

Bago ko tapusin ang blog na to, dapat may closing music tayo. Just click on Play, hahaha.

"WHAT GOES AROUND COMES AROUND"

No comments: