Wednesday, October 22, 2008

Extortion 101

Gusto mo bang mabuhay nang walaaaaang kahirap-hirap? Pwes, mang-extort na!

Ayon sa Wikipedia,

Extortion, outwresting, or exaction is a criminal offense, which occurs, when a person unlawfully obtains either money, property or services from a person, entity, or institution, through coercion. It is also often used loosely to refer to everyday situations where one person feels indebted against their will, to another, in order to receive an essential service or avoid legal consequences.

Para sa akin, ang Extortion ay isang uri ng paglalambing.

Bakit?

Example:

"Di ba birthday mo? Magpakain ka naman. Grabe to o."

"Bili mo naman ako ng chocolate! Di ba may September to Remember ka? (incentive)"

"Bili mo naman ako ng kape! Pag hindi, babagsak CSAT mo sige ka."

"Bili mo naman ako ng chocnut? Di ka ba naaawa sa akin? Gutom na ko."

"Pasalubong ha! Wag kang babalik nang wala kang dala."

"Di ba gusto mong magkape? Tara sa Starbucks! Dadagdagan ko yung 100 mo, kelangan ko ng sticker para makuha ko yung journal eh."

"Bili mo naman ako ng chocolate o, pag hindi, isang linggo kitang di kakausapin."

"Akin na lang GC mo."

"Ibili mo naman yung buong team ng Cloud 9 o."

"Hoy, magpa-coke ka naman!"

"Eto naman para Starbucks lang, dali dadagdagan ko yung 100 mo."

"Hoy, magpakain ka naman ng breakfast sa buong team o. Kahit worth 100 lang."

"Hindi ko bibigay singsing mo pag hindi mo ako binili ng chocolate!"



LATEST VICTIM:


Si Ghaye!

At bumili nga sya ng chocolate! Eto hawak na ni Doraemon.


Image Hosted by ImageShack.us


Tumutupad naman ako sa usapan pag "naglalambing" ako. Lahat ng example sa taas ay true to life hahaha.. Pero hindi ako nag-iisa. Itago nyo na lang kami sa pangalang Mabel at Apple.

Isang bagay na natutunan ko, walang mae-extort kung walang magpapa-extort hehe. Pero maraming salamat sa lahat nang nagbigay ng mga chocolates, candies, coffee, pizza, pandesal, cheez whiz, GC, at kung anu-ano pang pagkain. Bonafide extortionists lang talaga siguro kami or takot kayo sa amin (Bwahahahaha) or matindi lang talaga ang convincing powers namin. Thank you sa patience sa pangungulit. Pareho kasi kaming youngest child kaya mahilig "maglambing".

Sa next victim namin, humanda ka na kung sino ka man.

LAMBING lang yun na may halong KATAKAWAN. Promise. =)


No comments:

Post a Comment