Hayy... kahapon pa ako nagccrave ng ice cream...as in kahit saan ako tumingin, nagmumukhang ice cream lahat. Yung parang naghahallucinate na ako dahil gusto ko ng malamig na malambot na matamis at natutunaw sa bibig... GUSTO KO NG ICE CREAM!!!! NGAYON DIN!!!!!
Hindi ako nakatiis, umorder ako sa Dial 8McDo, sabi ko sa sarili ko, pwede na sakn ang choco fudge kesa naman lumabas pa ko ng 2am para lang bumili ng ice cream di ba. At habang hinihintay ko ang food ko... tenterereeeeennnnn...!!!! May nagdala ng ice cream sakn! Isang pint! Weeeeeee!!! Walang mapagsidlan ang aking kagalakan hahaha..Ice cream ito ni Mega hehe.. Mega Mocha Crunch ng Magnolia. Masarap pala sya. Loyal kasi ako sa Very Rocky Road at Double Dutch eh..pero idadagdag ko na sya sa mga favorite ko! :) Tapos biglang dumating na rin yung order ko. Syempre kinain ko pa rin yun. Hehe.. Pag ganitong stressed ako sa work at sa studies, kelangan ko ng maraming-marami at bonggang-bonggang pagkain.
Iba talaga nagagawa ng mental telepathy. Ibig sabihin marunong pala ako nun. Kaya simula ngayon, imemental telepathy ko kayo lahat. Hindi kayo makakatulog hanggat hindi nyo ako dinadalahan ng ICE CREAM!!!! harharhar :p
Syempre, mawawala ba sa eksena si Doraemon?? Eto sya at ang sorprisang ayskrim! LOL
Saturday, July 26, 2008
GUSTO KO NG ICE CREAM!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment