Dahil may rice shortage sa pinas, siguro mas maganda kung burger na lang kainin natin sa araw-araw. Mga super fav kong burger -- Burger King, Wendy's, Wham!, Brothers Burger at yung jamaican burger na kinain ko dati sa Eastwood, nalimutan ko name ng resto hehe...
Isa lang ang burger na ayaw kong kainin. Yan yung nasa picture o. The most expensive burger yan na mabibili lang sa London. The Burger ang tawag dyan (o diba wala na silang maisip na name hehe). It's worth 95 pounds ($185) and Burger King ang salarin at nagpauso ng burger na to hehe. Limited edition and for 2 days lang sya available at akalain mong may bumili. Hahahaha. May 50-katao na ang nakabili nito.
Based from feedback, masarap daw. What makes it unique is that they used massaged Japanese Wagyu Beef. Pati pala beef pwede nang i-massage ngayon. At kung saan-saang lupalop ng mundo nanggaling ang ingredients nito.
OA ang price kung iisipin mo. Pero I read sa news na all proceeds sa sales ng NAPAKAMAHAL na burger na to ay mapupunta sa Help a London Child charity, isang charity na tumutulong sa mga mahihirap at mga inaabusong kabataan. Dahil dyan, bow ako sa kanila. Anything that will help other people, two thumbs up yan for me. :)
Pwede mo rin ba akong tulungan? Pa-burger ka naman o.
No comments:
Post a Comment