Monday, June 11, 2007

Malansang Isda

Marami sa atin ang lumaki na marunong mag-English, may ilan na mali-mali mag-English, may nagta-taglish (ako yun), may mga officemates akong nag-iilocano, meron dyan na kinakausap mo sa Tagalog pero English pa rin kung sumagot. It all boils down to one thing, kung hindi ka kumportable mag-English, wag mong pilitin. Kung may naririnig ka na nagta-try mag-English to express himself sa isang Amerikano, wag mong pagtawanan. Or wag mong gawing katawa-tawa. Kung OA na, meaning pinoy din naman ang kausap, sige pagtawanan mo. Maraming mga asyano, like mga Chinese na iba talaga pag nagtranslate or nagsalita sa English kasi word-for-word sila kung mag-translate kaya iba tuloy ang lumalabas.

Naalala ko tuloy yung stationery na binili ko nung bata pa ako, ang ganda kasi ng design kaya binili ko, nakalagay dun "Le'ts be friends. I am the stars, you are the moon. Together we sun." O san ka pa? nakakatawa di ba? Pero pag-iisipin mo, tayo nga hindi marunong mag Intsik, wala tayong karapatang pagtawanan yun.

Eto pa. May binili akong body scrub sa dati kong officemate. Basta effective daw kaya hindi ko na tinanong yung brand. Ginamit ko, effective nga sya. Kinabukasan ko na lang napansin na may kakaiba sa scrub na yun. May design syang baka na kulay brown ang spots sa harapan tapos sinasabi nung baka eto -- >
"Clean out Horniness Whitening".


Tapos sa baba, nakalagay "for all body" (ilan ba ang katawan ko?)

Tapos sa baba pa nun, "
One Minutes Dispel Horniness".


Napaisip tuloy ako, pinakaramdaman ko ang sarili ko. Horniness? Wala naman akong naramdaman.


Simple lang yan. We should respect each other's culture. Yun lang yun. At ipagtanggol ang ating wika sa kahit anumang paraan. (MAKIBAKA! WAG MATAKOT!) hehehe...

Sa August pa nga pala ang Linggo ng Wika. Sorry naman. Pwede na rin tong blog ko kasi Independence Day na naman eh.



Read through this excerpt from Bob Ong's "Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?"

Isang totoong pangyayari ang naikwento sa dyaryo tungkol sa 70-taong gulang na lolo na nagmula pa sa isang probinsya. Lumuwas ng Maynila ang matanda para sa kanyang visa interview sa US Embassy, at dahil wala syang anumang alam na salitang Ingles, isinama nya ang apo bilang translator.

Inutusan ng consul ang apo na tanungin ang lolo nya kung bakit gusto nitong pumunta sa Amerika.

"Bakit daw ho ba gusto ninyong pumunta sa Amerika?" tanong ng apo.

"Sabihin mong gusto kong makita ang mga anak ko doon," sagot ng lolo.

Muling ipinatanong ng consul sa apo kung bakit kailangan pang pumunta ng matanda sa Amerika, at hindi na lang papuntahin dito ang mga anak nya. Matapos tagalugin ng bata ang tanong, sumagot ang matanda.

"Sabihin mo, dito kasi ipinanganak ang mga anak ko. Nakita na nila ang Pilipinas. Gusto ko naman makita ang Amerika bago ako mamatay."

Dahil naasiwa sa katotohanang hindi man lang makapagsalita ng kahit kaunting Ingles ang matanda, ni-reject ng consul ang application nito. Sinabi ng apo sa kanyang lolo ang naging desisyon ng consul at ipinaliwanag ang dahilan.

"Hindi raw kasi kayo marunong mag-Ingles."

Hindi ito ikinatuwa ng matanda kaya inutusan ang apo.

"Sabihin mo ito sa kanya at huwag mong papalitan ang sasabihin ko. Putang ina niya, bakit sya nandidito eh hindi naman sya marunong mag-Tagalog."

Sinunod ng bata ang utos at sinabi ito sa consul.

He said: "You son of a bitch, how come you are here... you do not know how to speak Tagalog."

Sa pagkakagulat na may halong tawa, napilitang magbago ng isip ang consul at mabilis na inaprubahan ang visa application ng matanda.


No comments: